AKO? totoong SOPOMISTA!!

AKO? totoong SOPOMISTA!!
AKO? totoong SOPOMISTA!!

Sabado, Setyembre 24, 2011

Sopomistikang pagtanggap sa CED-1 batch no. 1

"Sila ang una kong nakita sa Reimer's Hall pagdating ko sa naiibang mundo ng CLSU.  Sila ang una kong nakilala at una ko ring nakaaway kaya naman sila ay nararapat bigyan ng natatanging kong pagpupugay....."

Isang taon ko rin silang nakasama sa pagiging freshman ko.

            Sa bawat nakapangingilabot na exam, sa bawat nakamamatay na quiz, sa bawat karumaldumal na recitation, sa bawat karimarimarim na project, at sa bawat nakapanghihinang thesis: SILA ANG NAKASAMA KO.
Sila ang naglahad ng kanilang mga kamay upang maipagbangon ko ang aking sarili sa bawat hamon at dagok ng buhay.

            Sila ang nagsilbi kong tahanan sa tuwing napg-aabutan ako ng dilim ng kahinaan. Hindi sila plastik dahil sila ay kahoy na pintuang sa tuwing ako'y kumakatok ay kagya't nila akong pinagbubuksan at mainit na pinapapasok sa kanilang mga puso, pinapakain at pinahihigop ng napakasarap na sabaw ng kanilang pagmamahal.

            Ngayong kami ay magkakalayo na, sana bumukal pa rin ang bawat imahe ng ating mga alaala sa bawat isa, na sa tuwing aking isinasaisip ay ginagamit ko upang maging inspirasyon para ipagpatuloy ang buhay.

MABUHAY CED-1 1st BATCH!!!!!
Ipagpatuloy natin ang magandang simula at lasahan ang tamis ng tagumpay sa pagsapit ng araw ng katuparan ng ating mga pangarap!!!!!!!

FIRST CHRISTMAS PARTY
I LOVE YOU GUYS!!!!!!